GMA Logo Aga Muhlach and Julia Barretto movie
What's Hot

Aga Muhlach, naranasang maliitin ng mga mas bagong aktor

By Marah Ruiz
Published February 14, 2024 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Aga Muhlach and Julia Barretto movie


Binalikan ni Aga Muhlach ang hindi magandang karanasan niya noon sa ilang mga mas bagong aktor.

Isang May-December romance ang kuwento ng bagong pelikula ng beteranong aktor na si Aga Muhlach na pinamagatang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.

Katambal niya dito ang young actress na si Julia Barretto.

Naiintindihan daw ni Aga ang matitinding reaksiyon ng ilan tungkol sa paresan nila lalo na dahil malaki ang age gap nila.

"Mahirap! Kailangan akma ang istorya. Anong istorya mo? Kailangan ganoon talaga --- I should play my age and she should play her age. Hindi naman pwedeng magbatabataan ako," pahayag ni Aga sa vlog ng entertainment writer na si Ogie Diaz.

Gumaganap dito si Julia bilang soloist ng isang choral group habang si Aga naman ay ang musical director nila.

"If they're expecting for sensuality and [things] like that, there's none like that. It was done very tender. It's funny. It's nice. 'Yung feel good pa rin 'di ba?" paglalarawan ng aktor tungkol sa pelikula.

Sa tingin ni Aga, hindi naman malaking pagbabago para sa kanya ang pagtanggap ng ganitong klaseng roles.

"Wala naman po. It's just an older me. I'm in my 50s and that's my role. It's different. Kahit ako, noong pinapanood ko, sabi ko, 'Who's my audience now? Hindi ko alam eh. Sino? Who's my target market?'" lahad niya.

Masaya rin si Aga na nagkaroon siya ng mahabang career at umabot pa na makatrabaho niya ang heneresyon ni Julia.

"I did Miracle in Cell No. 7 in 2019. After that, wala na akong ginawa. And then now I'm doing this movie with Julia. There's nothing but gratitude for me in my heart because I'm able, as an actor, to work with her generation. Iba 'yung feeling, iba 'yung acting nila. Noong nag-shoot na kami, ang galing niya," ani Aga.

Kung maganda ang naging experience ni Aga sa bagong henerasyon ng mga artista, mayroon naman siyang hindi magandang karanasan sa ilang mas bagong mga artista mula sa nakaraang henerasyon.

Umabot daw kasi siya sa low point ng kanyang career at nanganib na matulad sa ilang mga comtemporaries niyang tila walang naipundar matapos mag-retire bilang artista.

"Masakit 'yun. dinaanan ko rin 'yun eh. In the '80s, dinaanan ko na 'yan. Gumanoon ako [nag-peak] tapos nawalan ako ng pera. Na-zero ako. I remember, isa sa mga tumulong sa'kin was Mother Lily Monteverde of Regal Films, Boss Vic (del Rosario) of Viva. Sila pa rin kaya hindi ko makakalimutan 'yun," paggunita niya.

"Nangyari sa akin 'yun in the '80s --- talagang ubos, zero, negative pa at ang dami mong utang. And then in '91, I made a decision. Sabi ko, 'Hindi ako 'to. Hindi ito 'yung buhay ko.' It's all humility talaga, acceptance of 'Okay, dito lang po ako.' I humbled myself and then I worked," pagpapatuloy ni Aga.

Dito na raw siya nakaranas ng pangmamaliit mula sa ibang artista.

"People were treating me not nice ha. Some sectors in the this industry were treating me like [that]. Parang may mga bago kasi dumarating na artista and would treat me like parang sila 'yung sikat. Sabi ko, 'Okay lang. Sige lang. Magtrabaho ka lang,'" kuwento ng aktor.

Dahil sa karanasang ito, may ipinangako daw si Aga sa kanyang sarili na hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya.

"Sinabi ko lang na basta 'pag ako nakabalik at sumikat ako ulit o sumikat ako nang grabe, 'yan ang hindi ko gagawin sa kapwa arista ko --- to make then feel maliit," ani Aga.

Panoorin ang buong interview ni Aga Muhlach sa vlog ni Ogie Diaz dito:

Samantala, nag-premiere na Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, starring Aga Muhlach at Julia Barretto noong February 7. Si Denise O'Hara ang nagsilbing writer at direktor ng pelikula.