GMA Logo Kasal sa Baha
Source: BaràComm via Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoain Church/Facebook
What's Hot

Against all floods: Kasal itinuloy kahit binaha ang simbahan

By Kristian Eric Javier
Published July 25, 2025 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Kasal sa Baha


Nag-uumapaw ang pagmamahal ng magkasintahan na kinasal sa gitna ng baha.

Sa kabila ng baha sa loob at labas ng simbahan, itinuloy pa rin ng couple na sina Jamaica at Jao Aguila ang kanilang kasal kamakailan lang. Binaha kasi ang simbahan kung saan sila mag-iisang dibdib dahil sa malakas at tuloy-tuloy na ulan dahil sa bagyo at habagat.

Sa report ni Mark Salazar para sa 24 Oras nitong Martes, July 22, abot hanggang tuhod ang tubig sa loob ng Barasoain Church sa Malolos Bulacan. Ngunit ayon sa naturang report, mas mataas pa ang baha bago pa nagsimula ang kasal.

Mula sa bride, abay, at maging mga ninong at ninang ay hindi nakaligtas sa baha sa kasal nina Jamaica at Jao. Ngunit ayon sa mag-asawa, kaya nila itinuloy ang kasal ay dahil magiging mas malaking abala pa kung magplano sila ng panibago.

“Matagal na po 'tong inaantay ng lahat. Nandiyan na rin naman po kami, 'Let's do this,' na po, sabi namin,” paliwanag ni Jamaica.

Pinasalamatan din niya ang pamilya at mga kaibigan na dumalo sa kanilang kasal sa kabila ng baha, at sinabing blessing ng Panginoon ang ulan.

Iyon din ang naging opinyon ni Jao, “Naging blessing na rin po talaga kasi mas naging unique po 'yung [kasal]. Atsaka po mga taga-Navotas po kami, sanay po sa baha. Hanggang dito po, sinusundan po kami ng baha.”

Ayon sa report, hindi naman ito ang unang pagkakataon na binaha ang simbahan at itinuloy ang kasal, kaya alam na nila ang gagawin para maging matagumpay pa rin ang kasal.

Samantala, sa labas ng simbahan, lubog din ang maraming lugar sa sentro ng Malolos. Ngunit hindi natinag ang mga taga roon, at sinabing hindi na nila mahihintay humupa ang baha dahil alam nilang matagal bago ito mangyari.

Ayon pa sa isang residente, tantiya nila ay aabot ng isang linggo bago humupa ang baha.

Panoorin ang report dito:


TINGNAN ANG CELEBRITIES NA DALAWANG BESES NA IKINASAL SA GALLERY NA ITO: