
Sa nakaraang episode ng Agimat ng Agila, simula nang magising si Gabriel (Bong Revilla Jr.) ay mas lalo niyang napansin ang mga kakaibang pagbabago sa kanyang sarili.
Pinaalalahanan ni Nanay Berta (Elizabeth Oropesa) si Garbriel (Bong Revilla Jr.) na ngayong nasa kanya na ang agimat ng agila ay dapat niya lamang itong gamitin sa kabutihan.
Hindi matanggap ni Maya (Sanya Lopez) na pinaglihiman siya ng kanyang ina, kaya naman nagpalipas muna siya ng sama ng loob habang kasama si Gabriel.
Samantala, buong-buo ang tiwala ni Wesley (Benjie Paras) kay Capt. Flores (Allen Dizon) kaya naman sinabi nito ang plano ng kaibigang si Gabriel na pag-atake sa kanilang boss. Tama kaya ang kanyang desisyon sa taong pinagkatiwalaan niya?
Patuloy na panoorin ang Agimat ng Agila tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA-7!