
Sa nakaraang episode ng Agimat ng Agila, ang Task Force Kalikasan ay inatasan na bantayan at pangalagaan ang kapaligiran mula sa mga mananamantala rito.
Gagampanan ni Major Gabriel Labrador (Bong Revilla) ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng Task Force Kalikasan. Ngunit sa isang misyon, makakalmot siya ng isang agila na may taglay na kapangyarihan.
Samantala, dahil sa ginawa ni Gabriel (Bong Revilla) na pagsagip sa mga ibon sa kampo nina Manager (Roi Vinzon) ay magkakaroon ng matinding banta ang buhay nila.
Maliban sa bantang natatanggap ni Gabriel, unti-unti na rin lumalabas ang mga kakaibang pagbabago sa katawan ni Gabriel ngayong patuloy ang pagdaloy ng agimat sa kanyang katawan.
Ano kaya ang dala ng mga pagbabagong anyo nito kay Gabriel?
Patuloy na panoorin ang replays ng Agimat ng Agila tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7!