
Itodo na ang good vibes tuwing Saturday primetime sa pagtutok sa all-out tawanan na may kapupulutan pa ng aral sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
At para sa first episode ng award-winning sitcom sa buwan ng Agosto, makakasama ang Sparkle actress-singer at multi-talented daughter ni Direk Michael V. na si Brianna!
Sa Instagram post nito noong July, ipinasilip na niya ang ilan sa behind-the-scenes moments niya sa taping sa Pepito Manaloto.
Makakasama rin sa naturang episode sina Ima Castro, Jemwell Ventinilla, Tony Lopez, Cherry Malvar, Maureen Larrazabal, at ang Sparkle comedienne na si Chariz Solomon.
Heto ang patikim sa mangyayari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 3 sa video below!
RELATED CONTENT: MORE ON BRIANNA BUNAGAN