
Buong tapang na hinarap ng versatile actress na si Agot Isidro ang ginawang pagbabanta sa kanya ng isang netizen sa Twitter.
Makikita sa kaniyang mga tweets na sinabi ng netizen na si @RusCo87690206 na sasabuyang niya ng asido ang aktres kapag nakita niya ito.
Kailangan ba umabot tayo sa ganito? pic.twitter.com/hLrXWLCYyj
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Agad naman gumawa ng aksyon ang Philippine National Police sa naturang basher at nagpaabot din ng pasasalamat si Agot sa mga tumulong sa kaniya na mag-report ng nasabing account.
Salamat, @PNPhotline. pic.twitter.com/Gofh2pijrM
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
@PNPACG Reporting this threat online. https://t.co/m7sIvG0p39
— PNP Tweets (@PNPhotline) May 30, 2018
Thank you for reporting, guys. I think suspended na sya.
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Mag-ingat tayong lahat. #PanahoNgHalimaw kasi. ????
Kilalang kritiko ni President Rodrigo Duterte si Agot Isidro at napabalita na sinusuyo rin siya ng Liberal Party na tumakbong senador sa 2019 elections.