What's Hot

Agot Isidro, first time makakatrabaho si Jean Garcia sa One True Love

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 11, 2020 8:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Matagal mang magkakilala at malapit na magkaibigan, ngayon lamang magsasama sa isang teleserye sina Agot Isidro at Jean Garcia, at ito ay sa bagong primetime offering ng GMA-7 na One True Love.

Matagal mang magkakilala at malapit na magkaibigan, ngayon lamang magsasama sa isang teleserye sina Agot Isidro at Jean Garcia, at ito ay sa bagong primetime offering ng GMA-7 na One True Love.

“It’s my first time to work with Jean Garcia. Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkasama sa isang TV show,” explains Agot. 

Ayon naman kay Jean, nakatrabaho na niya ang singer-actress sa isang movie dati pero nakadalawa or tatlong scenes lang sila doon. “Maliit lang ang role namin, yung Darling Kong Aswang ni Vic Sotto. Pero dito [sa One True Love], there’s a lot of confrontation [scenes]”, dagdag pa ni Jean.

All praises din si Jean sa kanyang kaibigan who recently signed a two-year contract with GMA-7. “Magaling kasing artista si Agot. So, excited ako kasi parang challenging din for you. It’s a healthy competition [between us],” sagot ni Jean ng tanungin siya kung ano ang inaasahan niya sa bagong co-star.

Bilang isang bagong Kapuso, excited si Agot na makatrabaho ang mga kaibigan sa industriya, kabilang na ang director ng One True Love na si Direk Andoy Ranay. “Natutuwa lang ako because there are people here in GMA-7 na matagal ko na rin nakatrabaho noon. Dito lang pala ulit kami magkikita. So it’s meeting new people and reuniting with old friends as well,” Agot points out.

Overwhelming din daw ang experience niya sa Kapuso network at hindi niya inasahan ang ganitong treatment from everyone.  “Parang ambilis kong maging at home sa bago kong tahanan,” she says with a smile.

Aside kay Jean, first time rin ni Agot na makatrabaho ang teen stars na sina Alden Richards at Louise delos Reyes. “Very promising ang mga dating nila and I’m lucky to be working with them kasi sila ang mga bida rito,” paglalarawan niya sa lead stars ng teleserye.

Looking forward din siya sa pagbibigay buhay sa character niyang si Leila, at kung paano niya gagampanan ang kakaibang role na ito. “Complex ang role ko sa One True Love. Maraming magaganap sa pagkatao niya that will eventually affect her relationship with other people. It’s something new kaya nandoon na naman ang thirst ko for challenge,” shares Agot.

Abangan si Ms. Agot Isidro bilang Leila sa One True Love, weeknights sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Makapiling Kang Muli.