
Sa ilang beses nang pakikipag-collaborate ng bandang Agsunta sa Pinoy master rapper na si Gloc-9, itinuturing nila na mas malapit na sila sa isa't isa ngayon. Kaya naman mas kumportable na rin silang gawin ang bagong single nilang “Sabi Nila.”
“Looking back nung nag-uumpisa pa lang kami, si Gloc-9 ang isa sa mga kauna-unahan din naming nakatrabaho at nakasama sa mga shows, events at sa isang kanta n'ya sa Rotonda album way back 2017,” pag-alala ng Agsunta.
“Siguro ang pinakakaibahan now is 'yung strong bond na meron na kami with Gloc-9 dahil matagal tagal na ring nagkakasama at nakakasabay sa mga gigs, from doing live shows to doing collabs sa aming YouTube channel. Talagang masasabi namin na sobrang kakaiba nito and, actually, this is one of our dream collaborations talaga.”
Saktong-sakto rin daw ang personalidad ng kilalang rapper para sa bagong single nila.
“Siyempre, 'yung message nung kanta… we think na siGloc-9 really dropped the bomb in this track, dahil nga 'yung message ng kanta is to encourage people who are somehow swayed by the noise of the world, kahit gano pa kahirap 'yung journey na tatahakin mo.
“Para samin si Gloc-9 ang pinakamalupit na example ng journey na talagang 'di umatras at lumaban lang nang lumaban sa buhay. Siyempre, the one and only makata sa Pilipinas ang makakapag pull-off ng bars na talaga namang tagos na tagos hanggang buto!”
Bukod kay Gloc-9, kasama rin nilang ginawa ang “Sabi Nila” ang rapper na si Honcho, o Mark Maglasang sa tunay na buhay, na nakilala rin bilang si Bosx1ne ng Ex-Battalion.
Ang kantang “Sabi Nila” ay isang inspiring song na napapanahon dahil patungkol ito sa mga negativity mula sa social media na madalas na nakaaapekto sa tao.
Ayon sa Agsunta, “Ito ung kanta na pinapakita kung anong nangyayari sa mundo ngayon. With all the noise of social media, the bashing, the negativity--minsan mabubulag ka na believing the lies of the enemy in your head.
“Dito sa kantang ito ipinakita na it's really always a battle of you vs you. Kaya sa mga linyang: 'Di ka dapat naniniwala sa sinasabe ng iba maniwala ka kung sino kang talaga sa sarili mong mata, sa sarili mong mata ikaw ay mahalaga'--ipinapakita na sa totoo lang sa sarili mong mata mahalaga ka, yun at yun lang dapat ang tinitignan mo.”
Dagdag pa ng grupo, “Sabi din sa linya ni Mark Maglasang AKA Honcho: 'Sundin ang nanaisin, sa dulo nyan masarap sa feeling'--inilalahad nito na sa totoo lang kung tinuluy-tuloy mo lang sa dulo, masarap sa feeling lalo na 'pag alam mong nilaban mo.
“At sabe nga ng the legendary, one and only makata sa Pilipinas na si Gloc9: 'Ang tumigil mangarap ang tunay na atraso.' Kaya galingan lang natin na galingan dahil anuman ang sabihin ng iba, anuman ang sabi nila, palagi mong sundin kung ano ang gusto ng iyong puso. Mata sa langit, paa sa lupa, anuman ang sabihin nila, ikaw ay mahalaga.”
Samantala, sa mga susunod nilang proyekto, handa na raw mag-take ng risk ang Agsunta para mas maiangat pa ang kanilang grupo. Kabilang na rito ang pagre-release ng sarili nilang mga kantang naisulat noong kasagsagan ng pandemya.
Sabi ng Agsunta, “We want to up our game now since we've been doing this for almost half a decade. Siguro it's time for us to go out of the box, 'yung risk na willing kameng tahakin dahil sama-sama kami at 'yung risk na 'yun is to really focus now on doing our original music. Marami-rami rin kasi kaming nagawang mga kanta during the pandemic.
“And since we grew older na rin we think that it's time to re-create and re-brand the Agsunta that people knew. We're not saying na mawawala na 'yung aming mga #AgsuntaSongRequests and #AgsuntaJamSessions, but our focus talaga for now is doing our originals and makapag-release ng mga music videos na talaga namang tumatagos sa puso ng aming mga listeners/viewers. Like this track that we just released with Honcho and the legendary, Gloc-9, medyo pupunta kami siguro sa tunog na may influence--somehow ng hiphop and 'yung mga beats, we're trying to mix it up for a whole new sound na, siyempre, may tatak agsunta pa rin."
SAMANTALA, TINGNAN ANG COLLABORATIONS NG CELEBRITIES AT VLOGGERS DITO: