
Dumagdag sa kilig na hatid ng GMA's Tagalog dubbed ng hit Korean series na The Lovely Runner ang local theme song nito na "Alon," na inawit ng AHOF member na si JL.
Ang "Alon" ang debut single ni JL na inilabas noong June 6 under Universal Records Inc. Talaga namang bagay na bagay ang pop track sa love story ng mga karakter nina Sol (Kim Hye-yoon) at Sandro (Byeon Woo-seok) sa The Lovely Runner.
Kuwento ito ng fan girl na si Sol na nakabalik sa kanyang high school self at susubukang baguhin ang present para mailigtas ang idol niyang si Sandro at mabago ang kapalaran nito.
Pinusuan ng fans ang paggamit sa "Alon" bilang local theme song ng The Lovely Runner. Narito ang ilang komento:
Abangan ang The Lovely Runner, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI BYEON WOO-SEOK SA GALLERY NA ITO: