GMA Logo ahron villena and biboy ramirez
What's Hot

Ahron Villena at Biboy Ramirez, may payo tungkol sa domestic abuse at finding new love

By Racquel Quieta
Published August 29, 2020 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

A Christmas nativity scene on display in Port Washington
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

ahron villena and biboy ramirez


Nagbigay ng payo sina Ahron Villena at Biboy Ramirez sa mga biktima ng domestic abuse tulad ng lead character sa 'Kutob' episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Ngayong Sabado, kuwento ng isang dating battered wife na si Jerlyn ang tampok sa bagong Wish Ko Lang. Si Kris Bernal ang gaganap na Jerlyn at kasama niya rito sina Ahron Villena, Biboy Ramirez, at Barbara Miguel.

Si Ahron Villena bilang isang abusive husband sa Wish Ko Lang

Si Ahron ang gaganap bilang asawa ni Jerlyn na si Nestor, isang lasinggero at drug addict na madalas bumugbog kay Jerlyn.

Si Biboy Ramirez gaganap bilang bagong pag ibig ni Kris Bernal

Samantala, si Biboy naman ang gaganap bilang Jovel, ang bagong pag-ibig ni Jerlyn at tatayong ama ng kanyang anak na si Jevi, na gagampanan naman ni Barbara.

Makikilala ni Jerlyn si Jovel matapos niyang iwan ang abusado niyang asawang si Nestor.

Magiging masaya at payapa ang kanilang pagsasama, ngunit sa kasamaang-palad, masasawi si Jovel matapos itong aksidenteng makuryente.

Ang asawa ni Jerlyn aksidenteng makukuryente

Ayon kay Ahron, challenging ang karakter niya bilang Nestor at ibinahagi niya rin ang kanyang pananaw tungkol sa domestic violence.

“Medyo mabigat at character ni Nestor kasi nambubugbog ng asawa, hindi lang isang beses, maraming beses.

“Kaya kung ako 'yung Jerlyn siguro iiwanan ko na lang sya kaysa naman dumating yung point na baka mapatay pa ako.

Isa sa intense na eksena nina Ahron at Kris Bernal

“For me po, hindi po dapat umaabot sa physical abuse kasi ibang usapan na po 'yon.

“Kung may problema man sa pera or sa ibang bagay pag-usapan nang maayos para hindi na humantong sa pananakit pa.”

Isa sa nakakaantig na tagpo sa Kutob episode ng Wish Ko Lang

Samantala, ang aktor na si Biboy Ramirez naman, naka-relate daw sa role niya bilang bagong pag-ibig ni Jerlyn na si Jovel.

“Nakaka-relate po ako sa story ngayon ng Wish Ko Lang kasi ang girlfriend ko po ngayon ay single mom din.

“And para sa akin, hindi importante ang nakaraan ng partner mo. Ang importante, yung nararamdaman niyo para sa isa't isa sa kasalukuyan.

Katulad ni Ahron, nagbigay din ng payo si Biboy para sa mga biktime ng domestic abuse.

“Huwag kayong matakot magsumbong sa authorities or magsabi sa mga kamag anak ninyo or kaibigan.

“Any form of physical act with the intent of hurting your partner ay hindi dapat ginagawa. Mapa-babae man or lalaki.

Mapapanood ang 'Kutob' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kuwatro ng hapon sa GMA-7.

Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!