
May oportunidad ang mga pageant fans at aficionados na makitang magkasama ang beauty queen at Sparkle artist na si Ahtisa Manalo at ang kasalukuyang Miss Universe Philippines na si Bea Millan-Windorski dahil pareho silang parte ng Miss Manila pageant.
Ayon sa opisyal na Instagram account ng Miss Manila pageant, si Ahtisa ay isa sa mga host ng Miss Manila coronation night na gaganapin ngayong gabi, 7 p.m., sa The Metropolitan Theater. Samantala, si Bea ay magiging parte ng judging panel.
Ang Miss Manila pageant ay isa lamang sa mga post-pageant activities na naging parte ang dalawa nitong mga nakaraang linggo. Mula nang bumalik siya mula sa Miss Universe pageant sa Thailand ay pumasok na sa showbiz si Ahtisa at pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center. Naging guest na rin siya sa Fast Talk with Boy Abunda at gumanap bilang Bathalumang Haliya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Samantala, babad naman si Bea sa advocacy work pagkatapos siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines.
Kamakailan lamang ay naging parte ng Philippines Arbor Day 2026 celebrations si Bea at sumali sa isang tree-planting activity sa Manila. Ang proyekto ay parte ng misyon na makapagtanim ng higit sa tatlong milyong puno sa bansa.
Maliban kay Bea, naroon din si Department of Environment and Natural Resources Secretary Atty. Juan Miguel T. Cuna, Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso, at Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza.
Naging parte rin ng isang seedling planting activity nitong buwan si Bea. Ang proyekto ay inorganisa ng Waves for Water Philippines sa Tingtingin Forest sa Zambales.
Bumisita rin si Bea sa Katutubo Village Elementary School sa Porac, Pampanga bilang parte ng isang dental mission para sa Aeta community.
Kasama ni Bea ang mga appointed winners ng The Miss Philippines.