
Mula sa pagiging beauty queen, opisyal nang papasukin ni Miss Universe Philippines 2025 at Miss Universe third runner-up Ma. Ahtisa Manalo ang mundo ng pag-arte sa kanyang kauna-unahang acting stint sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa hit fantaserye, mapapanood si Ahtisa Manalo bilang Bathalumang Haliya, Diyosa ng mga Buwan.
Hindi pa man opisyal na inaanunsyo ang kanyang pagpasok sa mundo ng Encantadia, maraming fans na ang nagpapaabot ng kanilang excitement na mapanood ang beauty queen sa Sang'gre.
Maging si Ahtisa ay game na game sa pakikipag-engage sa kanyang mga fans.
Noong March 10, opisyal nang pinasok ni Ahtisa Manalo ang show business sa pagpirma niya ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Abangan si Ahtisa Manalo bilang Bathalumang Haliya ngayong Martes (April 7) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.