GMA Logo Ahtisa Manalo
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ahtisa Manalo on the Miss Universe Asia title: 'It was never offered to me'

By Kristian Eric Javier
Published December 4, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Ahtisa Manalo


Nilinaw ni Ahtisa Manalo ang isyu tungkol sa bali-balitang tinanggihan niya ang Miss Universe Asia title.

Nagbigay ng reaksyon si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo sa mga kontrobersiya na kinasangkutan ng Miss Universe 2025 sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, December 3.

Isa sa mga sinagot ni Ahtisa ay kung bakit hindi niya tinanggap ang titulong Miss Universe Asia.

Ngunit paglilinaw ng beauty queen, “It was never offered to me in the first place.”

Sa katunayan, bago pa nagsimula ang pageant ay nag-assume na siya na i-o-offer ito sa kaiya. Kaya naman, inabisuhan na niya kaagad si Jonas Gaffud na hindi nila ito tatanggapin.

“Nag-assume pa nga ako, e. Even before in-offer sa akin, sabi ko kay Mama J (Jonas), 'Mama J, 'pag nag-offer sila, huwag na natin tanggapin,'” sabi ni Ahtisa.

Paglilinaw ni Ahtisa, “Pero in-assume ko lang, hindi naman nila in-offer talaga.”

BALIKAN ANG MAINIT NA PAGTANGGAP KAY AHTISA NG MGA PINOY SA KANIYANG PAGBABALIK PILIPINAS SA GALLERY NA ITO:

Tinapos ni Ahtisa ang naturang pageant bilang third runner-up, kung saan nakuha naman ni Miss Mexico Fatima Bosch ang korona.

Kamakailan lang ay isinagawa ang homecoming parade para salubungin si Ahtisa ng kanyang mga kababayan. Sa panayam sa kanya ni Athena Imperial para sa 24 Oras noong November 25, pinasalamatan ng naturang beauty queen ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang pageant journey.

“Thank you, thank you. Lalo sa mga nandito, umaga na. Salamat sa paghihintay n'yo kahit ganitong oras. Salamat sa support, pagmamahal, tiwala, sa lahat. Sana continue pa kahit hindi na ako sa pageant, continue pa rin 'yung support n'yo sa akin,” sabi ni Ahtisa sa mga sumalubong sa kanya.