
Naging usap-usapan sa social media ang isang cryptic post ni Miss Universe Philippines 2025, Ahtisa Manalo, na nagdulot ng matinding ingay at espekulasyon sa mga pageant fans.
Matapos ang kanyang matagumpay na performance sa Miss Universe competition ngayong taon, niyanig ni Miss Universe third runner-up Ahtisa Manalo ang social media matapos siyang mag-post na may nakasulat na: “Ma. Ahtisa Manalo…,” kasabay ng kantang “Multo” ng bandang Cup Of Joe bilang background audio.
Mabilis na kumalat ang Facebook status na ito mula kay Ahtisa at nagsimulang gumawa ng ingay mula sa pageant fans.
Marami ang nabuong haka-haka mula sa mga fans pagkatapos mabasa ang post na ito mula sa kanya. Ayon sa mga fans, tila ito raw ay isang pahiwatig sa susunod na hakbang ni Ahtisa matapos ang mahusay na paglaban mula preliminary hanggang sa final competition ng Miss Universe ngayong taon.
Kamakailan ay ipinahayag na ni Ahtisa na ang Miss Universe na nagtatapos ang kanyang pageant journey, ngunit dahil sa post na ito, may ilan fans ang nagsabing baka hindi pa natatapos ang laban niya sa mundo ng pageantry.
Sa comment section, dinugtungan naman ni Ahtisa ang kanyang post ng salitang: “PILIPINAS!”; katulad ng introduction niya noong finals ng Miss Universe.
May mga fans na nag-comment at dinugtungan ang post mula sa beauty queen. Pabiro ring pahayag mula sa fans na hirap na nga sila mag-move on sa resulta ng kompetisyon, mas lalo pa silang malulungkot dahil sa post mula kay Ahtisa.
Ilang fans naman ang nagpahayag ng mensahe kay Ahtisa tungkol sa pagiging inspirasyon nito sa marami dahil sa kanyang dedikasyon at pagpupursigi matapos ang 18 years na pagsali sa mga pageant.
Si Ahtisa Manalo ay nakabalik na sa Pilipinas noong Martes, November 25, mula sa bansang Thailand kung saan idinaos ang 74th Miss Universe competition. Mainit siyang sinalubong ng mga fans at supporters bilang pagkilala sa kanyang husay at pagtatayo ng bandila ng bansa sa international runway.
Related Gallery: Ahtisa Manalo Performance in Miss Universe 2025