
Abala man sa pagte-taping para sa ongoing GMA action-suspense drama series na The Missing Husband, may oras pa rin sa kulitan ang cast ng serye.
Kinagigiliwan ngayon ng viewers at netizens ang video nina Rocco Nacino at Jak Roberto, kung saan mapapanood sila habang magkasamang nagti-TikTok.
Napasabak sa AI TikTok challenge sina Rocco at Jak, at sobrang katatawanan ang kanilang inihatid sa kanilang fans habang ginagawa ito.
Mapapanood na nagsuot pa ng butas na facemasks ang dalawang aktor at sabay nilang ginaya ang ginagawa ng ilang content creators.
Game na game na nagkulitan sina Rocco at Jak at halos hindi na sila makahinga ng maayos nang dahil sa kakatawa.
Narito ang ilang comments ng netizens sa kanilang video na may dalang good vibes:
Panoorin ang kanilang TikTok video RITO:
@gmanetwork HAHAHAHAHAHAHA AMANACCAYO, ANTON AT JOED!!! 😭🤣 WATCH: Napasabak sa AI TikTok challenge sina #TheMissingHusband stars Rocco Nacino at Jak Roberto! Nakahinga pa kaya sila nang dahil sa kakatawa?!?! 🤣 #JakRoberto #RoccoNacino #EntertainmentPH ♬ original sound - GMA Network
Kasalukuyang napapanood si Rocco sa serye bilang missing husband na si Anton, habang si Jak naman ay kilala rito bilang pulis na si Joed.
Patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: