What's on TV

Aia Delas Alas at Lani Misalucha, naiyak sa pag-awit ni Vilmark Viray ng 'Malaya' sa 'The Clash 2021'

By Jansen Ramos
Published November 29, 2021 1:28 PM PHT
Updated November 29, 2021 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

lani misalucha vilmark viray aiai delas alas


Kahit nawalan ng boses, naitawid at pinalakpakan ang Kulot Crooner ng Pampanga na si Vilmark Viray ng 'The Clash 2021' panel dahil sa sentimental niyang version ng “Malaya.”

Hindi napigilang maging emosyonal ng The Clash 2021 judges na sina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha nang marinig ang sentimental na bersyon ni Vilmark Viray ng "Malaya" ni Moira Dela Torre sa round five ng kompetisyon na pinamagatang "Isa Laban Sa Lahat."

Komento ni Aiai sa performance ng binansagang Kulot Crooner ng Pampanga, "Hindi muna kita palalayain dahil gusto kitang makita sa grand finals."

Ayon naman kay Lani, "moving" ang pagkakakanta ni Vilmark ng sikat na love song ni Moira.

Para kay judge Christian Bautista, ang boses ni Vilmark ay ang tipong hindi madaling pagsawaan dahil sa versatility ng kanyang boses.

Pagpuri ng romantic balladeer kay Vilmark, "Parang ang dami mong kayang gawin with your voice, ang sarap-sarap pakinggan.

"It's your control na parang you played with it. You just play and nafi-feel namin. Nafi-feel namin na magaling kang singer and ang ganda ng performance mong 'yan."

Milagro na maituturing ni Vilmark na mabigyan niya ng hustisya ang pag-awit ng "Malaya" sa round five ng The Clash 2021.

Ayon sa 26-year-old Clasher, wala siyang boses noong nagre-rehearse siya para sa kanyang performance kaya hindi rin niya napigilang maluha sa saya matapos ang kanyang pagkanta.

Dahil sa ipinamalas na galing ni Vilmark, magpapatuloy ang kanyang The Clash journey bilang parte ng top eight Clashers.

Bukod sa nabanggit na kalahok, pasok din sa top eight sina Julia Serad, Mariane Osabel, Lovely Restituto, Jeffrey Dela Torre, Mauie Francisco, Renz Fernando, at Rare Columna.

Panoorin ang rendition ni Vilmark ng "Malaya" dito: