What's Hot

Aiai Delas Alas admires Alden Richards’s sense of discipline

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



According to Aiai, Alden hits the gym at 4 am. 
By BEA RODRIGUEZ

  
Kaarawan ng Birheng Maria hapon at unang bagay na ginawa ng Pambansang Bae na si Alden Richards ay ibatid ito sa mga katrabaho niya, “Happy Birthday Mama Mary!!!”
 
READ: Pambansang Bae Alden Richards considers late mother his guardian angel 
 
Ipinadala ito ng binata pasado alas sais ng umaga sa Viber group ng Sunday PinaSaya at kaagad itong sinagot ng Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas na kagagaling lang ng States mula sa Kapusong Pinoy New York. Tanong ng komedyante, “Grabe ang aga magising! May jetlag ka din ba? (laughs)”
 
Sinagot ito ni Bae Alden, “Ganito talaga oras ko Ms. Ai” at sinang-ayunan ng aktres, “Sabagay. ‘Pag nasa abroad tayo, 4 a.m. nag-gy-gym ka na.”
 
READ: Alden Richards, ayaw mabago ang routine kahit sikat na 
 
Pinost ng Sunday PinaSaya host ang palitan ng mensahe nila ni Chef Boy Next Door sa Instagram. Pinuri ni Lady Dai ang kanyang katrabaho, “[Ito] ang dahilan bakit [siya] sikat, napaka-disiplinado. [Ang] aga magising ni Alden. Gym muna bago mag Eat Bulaga. Congrats Baeby Boy! Ipagpatuloy [mo] ang maganda mong adhikain.
 
READ: Kapuso celebrities, proud sa success ni Alden Richards