
Exciting ang huling pasiklaban na ating mapapanood ngayong September 4 sa Catch Me Out Philippines.
Sa finale episode ng exciting weekly game, reality, talent show, makakasama natin sina Aiai Delas Alas at Allan K. Silang dalawa ay ang guest celebrity Spotters na makakasama natin ngayong Sabado.
Photo source: Catch Me Out Philippines/ @allan_klownz
Makakasama naman natin ang iba pang Kapuso stars bilang celebrity Catchers sa masayang episode na ito. Abangan sina Gil Cuerva, Kate Valdez, Prince Clemente, Ervic Vijandre, at Maey Bautista sa exciting na hulaan at hulihan ng Catch Me Out Philippines.
Tutok na sa huling pasiklaban ng mga baguhan kasama ang host na si Jose Manalo at resident Spotter na si Derrick Monasterio.
Abangan ang Catch Me Out Philippines ngayong September 4, 8:30 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Catch Me Out Philippines: Ruru Madrid, napasayaw ng Paso Doble
Jose Manalo, Aiai Delas Alas, EA Guzman, napasabak sa sayawan sa 'Catch Me Out Philippines'