
Hindi na natapos ang pagiging emotional ni Aiai Delas Alas sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang School Service. Nakatanggap kasi ang Kapuso actress ng mensahe mula sa kanyang malapit na kaibigan na si Vilma Santos.
WATCH: Aiai Delas Alas, naging emosyonal sa kanyang Cinemalaya Best Actress win
Ibinahagi ni Aiai ang naging usapan nila ng Star for All Season sa kanyang Instagram account.
Ani Vilma, "Congratulations, my friend! Best actress! PROUD PROUD OF YOU, MY FRIEND!! Keep it up! Sorry di ako masyado visible ha friend, so busy with Congress and Lipa! Pagod na rin beauty ko, just arrived from Lipa now at kasama sa activity dun si Sec. Briones ng DepEd! Kahit ganito, please don't forget me! Love love love you pa rin Ai! Miss you! Will text Marian too! Nag-birthday din siya! Kiss Baby Marian for me ha, thanks! God bless you and family! DAMI KO UTANG SA IYO! Babawi ako, promise friend! Love you!"
"Naku Ate Vi, grabe parang naluluha ako, naalala [mo] pa rin ako. Love you, alam mo naman na idol kita forever. Alam kong busy ka. Sana nga madalaw kita sa Congress, hindi na kita nadalaw. Hayaan mo, pag next week nandun ka bisitahin kita, dalhan kita ng lunch. Lam mo naman na super lab kita, thank you Congresswoman Ate Vi. Always take care, I hope okay na 'yung knee mo," sagot naman ni Aiai.