
Matapos ang pitong buwang pananatili sa Amerika, balik Pilipinas si Kapuso Comedy Queen AiAi Delas Alas para maging judge ng season 5 ng The Clash.
Ngayong bagong season ng The Clash, dapat asahan ng mga manonood ang mas matinding labanan sa pagitan ng Clashers.
Bukod kay AiAi, magbabalik din bilang judges ng The Clash sina Asia's Nightingale Lani Misalucha at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
"I think, kasi 'yung mga hindi nakasali noong pandemic na mga sobrang magagaling, I think nandyan na sila ngayon. So, bakulawan to the max na 'yan," prediksyon ni AiAi sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Bago mag-Pasko ay babalik muli si AiAi sa Amerika kung saan na naninirahan ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.
"So, [December] 24, kakain lang kami and then magsisimba, [December] 25 siguro, gagala-gala and, 'yun nga, pupunta ko sa Missionaries of Charity sa San Francisco. Magluluto ako, carbonara, kasi si Niki, samin magpa'-Pasko, e," saad ni AiAi. Ang tinutukoy niya na Niki ay ang kanyang anak na si Nikolo.
Sa susunod na taon naman, bukod sa The Clash, muling makakasama ni AiAi ang kanyang ex-husband na si Miguel Vera sa isang concert.
BUKOD KAY AIAI, MARAMING CELEBRITIES NA RIN ANG PINILING MANIRAHAN ABROAD. KILALANIN SILA DITO: