Article Inside Page
Showbiz News
Bakit na-impress si Aiai sa 'Let the Love Begin' lead star na si Ruru Madrid?
By MICHELLE CALIGAN
Sa press conference ng naturang teleserye, tinanong si Aiai ng entertainment press kung ano ang masasabi niya sa kanyang magiging anak sa show.
"Si Ruru magaling umarte. Dati napanood ko na 'yan sa Magpakailanman. Pinapanood ko siya para makita ko rin kung ano 'yung gauge ng bata. Magaling. Nagulat nga ako na siya kumanta ng theme song. Sabi ko, 'Anak, ano ba 'yan? Ang galing mo naman. Kumakanta ka rin pala! Manang mana ka kay Mommy!'"
Hindi rin naging mahirap para kay Aiai ang mag-adjust sa mga bago niyang katrabaho.
"Hindi naman bago sa akin 'yung mga taong nakatrabaho ko dahil si Tita Gina [Pareño] ay kasama ko sa kabila dati. Si Miss Gina Alajar, ang aming direktor na napakahusay, ay kasama din namin dati sa pelikula. Dati pareho kaming artista, ngayon direktor ko na siya. At ngayon ko lang na-realize, sabi ko 'Direk, ang galing mo rin palang direktor no? Bukod sa magaling kang artista.' Siguro nagsasama talaga 'yun."
Napansin rin ng press na madalas maging emotional ang nagbabalik Kapuso tuwing may ginagawang
grand welcome para sa kanya.
"Siguro kasi sa edad ko ngayon, and kahit hindi ako bagets, kahit hindi ako love team, binibigyan ako ng importansya ng istasyon. Binibigyan ako ng magandang welcome. Napaka-blessed ko na nararanasan ko pa 'yun at my age," pahayag niya.