
Malaki ang pasasalamat ng mga anak ng Philippine Comedy Queen sa pagtataguyod at pagsuporta sa kanila kahit nag-iisa.
Sa espesyal na araw ng ating mga ama, isa sa mga nakatanggap ng pagbati ay si Aiai Delas Alas.
Si Aiai ay binati ng kanyang anak na sina Sancho at Sophia sa pagtayo bilang ama at ina sa kanilang magkakapatid.
Ayon sa message ni Sophia, "Happy father's day mom! Thank you being both a father and a mother to all of us. You are truly a blessing. I love you!"
Si Sancho naman ay nagpadala ng text message sa kanyang ina. Aniya, "Happy Father's Day mame ko!!! I love you!!! San po ikaw mame?"
Sa Instagram caption ni Aiai, ipinahatid niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang dalawang anak. Aniya, "Thank you sa mga sweet kong anak sa pag greet ng fathers day love you mga ank kong pogi and maganda @sanchovito @sophdelasalas."
Isa ring kaibigan ang nag-post patungkol sa pagiging ama at ina ni Aiai. Aniya, "For the longest time.. ive seen her singlehandedly raise her kids.. through good times and bad, she made sure her kids were ok even if she was not."
More on Aiai Delas Alas:
Aiai Delas Alas reveals just how crazy she can get when it comes to protecting her kids
Paano nagagawang magpatawa ni Aiai delas Alas kahit may dinadalang problema sa buhay?