
Kasadong-kasado na ang pagbabalik nina Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha bilang mga hurado ng GMA musical competition na The Clash.
Muling mapapanood ang panel sa ikalimang edisyon ng The Clash, na may opisyal na pamagat na The Clash 2023, na ipapalabas tuwing Linggo, simula January 22, 7:50 p.m. sa GMA 7.
Makakasama nila muli sa programa sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na magbabalik bilang Clash Masters.
Inilunsad ang The Clash noong 2018 at mayroon na itong apat na kampeon: sina Golden Cañedo ng Cebu, Jeremiah Tiangco ng Cavite, Jessica Villarubin ng Cebu, at Mariane Osabel ng Iligan City.
Ilan pa sa mga produkto ng reality talent show sina Garrett Bolden, Thea Astley, Anthony Rosaldo, XOXO, Jennie Gabriel, Muriel Lomadilla, at marami pang iba.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumisita sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
BAGO PA MAGSIMULA ANG THE CLASH 2023, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: