
Read her message for Gerald.
Yesterday, October 15, naganap ang 177th Commencement Exercise ng De La Salle University - Manila at kabilang sa mga graduates na lumakad sa PICC stage ay si Gerald Sibayan, boyfriend ni Aiai delas Alas.
One proud girlfriend naman si Aiai na nag-congratulate sa kaniyang "darling."
Aniya, "Congrats my darling sa iyong graduation day. This is it...and kay papa and mama mo na pinalaki ka ng maayos at mabuting tao. Fly, and I will always be here to support you. Good luck in all your endeavors."
Nagpaabot din ng pagbati si Eugene Domingo.
Nagkaroon din ng graduation party para kay Gerald at inawitan pa siya ng "The Graduation March" na parte ng kantang "Pomp and Circumstance."
Graduate si Gerald ng Bachelor of Arts in Sports Studies.
MORE ON AIAI DELAS ALAS:
WATCH: Aiai Delas Alas, naiyak nang pasalamatan ni Jiro Manio sa rehab
Aiai Delas Alas, nalungkot sa kinahinatnan ni Mark Anthony Fernandez