GMA Logo aiai delas alas bakes bread inspired by lee min ho
What's Hot

Aiai Delas Alas creates bread inspired by Lee Min-ho after getting flak for her comments

By Cara Emmeline Garcia
Published May 27, 2020 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas bakes bread inspired by lee min ho


Idinaan ni Aiai Delas Alas sa tawa at pandesal ang pamba-bash na natanggap niya sa fans ng 'The King: Eternal Monarch' ni Lee Min-ho

“Naniniwala ako sa kasabihan na 'when life gives you lemons, make lemonade,'” sambit ni Aiai delas Alas sa kanyang Instagram kahapon pagkatapos makatanggap ng pambabash sa netizens.

Sa kanyang post, isang truce ang inihatid ng Kapuso Comedy Queen sa kanyang bashers sa pamamagitan ng pag-bake ng pan de lemon (lemon bread) na tinawag niyang “Pande Lee Min Ho,” hango sa pangalan ni Korean actor na si Lee Min-ho.

Aniya, “Bilang idol ko talaga si Lee Min-ho [kahit hindi ko gusto 'yung 'The King: Eternal Monarch] gumawa talaga ako ng bread na nakapangalan for you.

“Kung may pandilimon, ang Martina's may Pande Lee Min Ho… with ube and korteng L for 'Lee.' Soon gagawa pa ako ng Ube Pande Lee Min Loaf.”

Turning negative into positive ... naniniwala ako sa kasabihan "when life gives you lemons , make lemonade ..bilang idol ko talaga si lee min ho ( kahit hindi ko gusto yung THE KING) gumawa talaga ako ng bread na nakapangalan for you .. kung may pandilimon ,ang martina's may PANDE LEE MIN HO .. ( with ube and korteng L for lee 😀) soon gagawa pa ako ng UBE PANDE LEE MIN LOAF 💚💚💚👍😎 yes 💚thank you PEP.ph #positivity #lifeisgood #stopthehate #bilinangpandeleeminho #beproductive #magpakabusyparawagbashlangngbash #truthhurts #leeminhostillagoodactor

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Ito ang sagot ni Aiai sa pamba-bash na natanggap niya kamakailan pagkatapos niyang ihayag sa social media ang pagkadismaya sa latest K-drama series ni ni Lee Min-ho na The King: Eternal Monarch.

Aniya sa post noong Lunes, May 25, “Kung hindi lang si Lee Min-ho ang bida nito, hindi ako magtiya-tiyagang bigyan 'to ng chance… pero sorry… hindi kagandahan itong palabas na 'to para sa aking panlasa. Masyado akong disappointed.”

Paliwanag ni Aiai, naguguluhan siya masyado sa genre ng istorya at sangkatutak ang nakita niyang endorsements kada episode kahit na kilala sa Korea ang script writer nito.

Dagdag pa niya, “Hindi ako makakapit sa story… na-compare ko siya tuloy sa Itaewon Class na simple pero aabangan mo. Eto, limang chances na nabigay ko pero ayoko na talaga.

“Hay… ang lungkot. Sorry, idol kita at magaling ka pa din actor… pero 'yung flow ng story waley talaga @actorleeminho.”

THE KING .. sa netflix kung hindi lang si leemin ho ang bida nito d ako mag tyatyagang bigyan to ng chance pero sorry hindi kagandahan itong palabas na to para sa aking panlasa.. masyado ako dis appointed ... hindi mo maintindihan ang flow ng korean novela na to .. science fiction, ? Action? Love story? Ano ba talaga panalo lang to para sa kanila sa dami ng intrusion .. fastfood chain, coffee, energy drink, lipstick , makeup lahat na ata ng klase pero sana mas inisip nila yung ganda ng story bago yung kita.. pero nabasa ko sa google magaling ang scriptwriter nito Kim Eun-sook, the scriptwriter behind several major hit Korean TV dramas, including tvN's “Guardian” and “Mr. Sunshine” (2018) and KBS2's “Descendants of the Sun” (2016), as well as “The Heirs” (2013) starring Lee, is in charge of the script for “The King.”( sya ang sumulat ang tanong ANYARE???) talagang hindi ako maka relate ., hindi ako makakapit sa story .. na compare ko sya tuloy sa ITAEWON CLASS simple pero aabangan mo eto 5 chances na nabigay ko para ayoko na talaga .. mag tataka ako bakit sya number 2 sa trending .. hayz ang lungkot😞 sorry idol kita magaling ka pa din actor pero yung flow ng story waley talaga .. @actorleeminho

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Dahil sa dami ng pambabatikos na natanggap niya sa post, kasalukuyang naka-disable ang comments section ni Aiai sa Instagram.

Lee Min-ho's 'The King Eternal Monarch' rises to ratings; producer apologizes for controversy

Aiai delas Alas, mas enjoy maging panadera kaysa artista?