GMA Logo Aiai Delas Alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, emosyonal nang sorpresahin ng mga kasambahay, driver sa kanyang 56th birthday

By Dianara Alegre
Published November 11, 2020 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 8, 2026 | NCAA Season 101
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Naiyak si Aiai Delas Alas dahil sa inihandang surprise birthday party para sa kanya ng kanyang pamilya, kaibigan, kasambahay, at driver.

Naging emosyonal si Comedy Queen at Owe My Love star Aiai Delas Alas nang sorpresahin ng kanyang pamilya, kaibigan, mga kasamabay, at driver sa kanyang 56th birthday nitong Miyerkules, November 11.

Ibinahagi niya sa social media ang ilan sa mga natanggap niyang regalo mula sa mga ito pati na rin ang video na kuha sa surprise party niya, kung saan makikitang umiiyak ang actress-comedienne.

Aiai Delas Alas

Source: msaiaidelasalas (IG)

Ani Aiai, ito ang unang beses na naghanda ng birthday surprise ang mga ito para sa kanya.

“Naiyak ako kasi first time ako [na-]surprise [ng] mga kasambahay and driver namin--pati nanay ko and secretary ko and admin ko si Vik. Kumpleto sila sobrang happy ko,” aniya.

Mas lalo umanong lumambot ang puso ni Aiai dahil nagawa pa ring makabili ng regalo ang mga kasambay at driver para sa kanya gayung nabawasan ang kanilang mga sweldo. Napilitang bawasan ni Aiai ang kanilang mga sweldo nitong nakaraang buwan dahil nawalan siya ng trabaho na epekto ng COVID-19 pandemic.

“Tsaka naglaan sila ng time at sweldo para mabigyan ako gift.

“Naiiyak na naman ako kasi itong pandemic kalahati lang sweldo nila muna kasi walang work pero sama-sama kami sa hirap at ginhawa (pero ngayon kumpleto na sweldo nila).

“Sa nanay kong matanda na pero nag-effort bigyan ako gift and nagbihis pa siya at sa mga angels ko sa bahay Yayi, Liza, Lenlen, Jelly, pilots Roger and co-pilots Butchoy at sa secretary ko Mariza for 10 years, salamat sa pag mamahal nyo at effort na i-surprise ako at mabigyan ng regalo at saya,” dagdag pa niya Aiai.

Naiyak ako kasi first time ako surprise mga kasambahay and drivers namin -- pati nanay ko and secretary ko and admin ko si vik .. kumpleto sila sobrang HAPPY ko ... atsaka nag laan sila ng time at sweldo para mabigyan ako gift ... 😢😂pucha naiiyak na naman ako ---kasi etong pandemic kalahati lang sweldo nila muna kasi walang work pero sama sama kami sa hirap at ginhawa ... ( pero ngayun kumpleto na sweldo nila haha) sa nanay kong matanda na pero nag effort bigyan ako gift and nag bihis pa sya .. at sa mga angels ko sa bahay YAYI LIZA, LENLEN , JELLY, PILOTS ROGER AND CO PILOTS BUTCHOY at sa secretary ko mariza for 10 years --salamat sa pag mamahal nyo at effort na i surprise ako at mabigyan ng regalo at saya 💚 GOD BLESS YOU MORE

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Hindi naman nagpatalo ang birthday cake ng komedyante na dinisenyuhan ng mga larawan ng idolo niyang South Korean actor na si Park Seo-Joon.

Aiai Delas Alas

Source: msaiaidelasalas (IG)

Happy birthday, Ms. Aiai!