
Masayang nagbigay ng update si Comedy Queen Aiai Delas Alas tungkol sa kanyang mga anak na sina Nicolo at Sophia.
Sa Instagram post, makikitang magkasama na ang dalawang anak ng komedyante na sina Nicolo at Sophia.
"Welcome home baby girl [Sophia Dela Alas]. Masaya and emotional ako kasi naalala ko mga baby pa kayo nu'ng dinala ko kayo rito sa US. Tapos ngayon dito na kayo titira ulit, and magkasama na kayo ng kapatid mo. God is good all the time," pagbabahagi ni Aiai.
Dagdag niya, "Thank you sa aking pangalawang baby boy [Nicolo] pinag-grocery n'ya si budang, napaka-sweet. Salamat Lord, mababait ang anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit. Sobrang buhos ng mga blessing mo sa amin. Love you, mga anak."
Sina Sophia at Nicolo ay kasalukuyang nasa California habang nasa Virginia naman si Aiai kasama ang asawa nitong si Gerald Sibayan. Noong December 12, magkasamang ipinagdiwang nina Aiai at Gerald ang kanilang 4th wedding anniversary.
Tingnan ang naging karera ni Aiai Delas Alas sa showbiz sa gallery na ito: