GMA Logo Aiai delas Alas
Photo: msaiaidelasalas (Instagram)
What's Hot

Aiai delas Alas, excited ipagdiwang ang career milestone kasabay ng GMA Gala 2025

By Karen Juliane Crucillo
Published August 1, 2025 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas


Kasabay ng GMA Gala 2025, may espesyal na ipagdiriwang si Aiai delas Alas tungkol sa kaniyang career.

Mas naging makabuluhan ang GMA Gala 2025 para kay Aiai delas Alas dahil may espesyal siyang ipinagdiriwang sa kaniyang karera.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, July 31, ibinahagi ng Comedy Queen ang kaniyang excitement para i-celebrate ang kaniyang career milestone sa GMA Gala 2025.

"Looking forward ako kasi this is 35th in show business, so in connection, ganoon ang damit ko," sabi ni Aiai.

Maliban sa kaniyang 35th anniversary sa showbiz, bibida at magpapasaya rin si Aiai sa 2025 Sparkle World Tour kasama sina Jessica Villarubin, Ruru Madrid, Pepita Smith at Boobay, at Kyline Alcantara.

Gaganapin ang 2025 Sparkle World Tour mula August 29 hanggang September 1 sa Eau Claire Park, Calgary.

Mapapanood naman si Aiai sa The Clash 2025 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, bilang isa sa mga hurado kasama sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Samantala, tingnan dito ang career ni Aiai delas Alas bilang isang Kapuso: