What's Hot

Aiai Delas Alas, excited makasama si Marian Rivera sa bagong show

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 20, 2020 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Reported death toll in magnitude 7.8 Mindanao earthquake climbs to 61
CT-TODA, Nangandam na sa Posibleng Kahuot sa Trapiko Karong Lunes | Balitang Bisdak
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News



Magsasama ang "kambal" na sina Marian Rivera at Aiai Delas Alas sa bagong programa na dapat niyong abangan ngayong Agosto sa Kapuso network. 

Malapit na nating mapanood ang Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas sa isang weekly TV program. 
 
Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng comedy aktres ang ilan sa mga dapat abangan sa kanilang bagong programa na ipapalabas sa GMA because Sundays are Fundays sa Sunday PinaSaya!
 
"Naku marami po kaming kasama rito. Ia-announce po namin sa inyo 'yan as long as puwede na talagang sabihin lahat."
 
Dagdag ni Aiai, "Ito na nga ‘yung Sunday show namin na makakasama ko si Marian [Rivera]."
 
Ibinahagi rin ni Aiai ang kanyang excitement sa kanilang pagsasama muli ng kanyang itinuturing na kakambal. 
 
"Alam mo namang nagmamahalan kami ng kambal ko na 'yun, kasi malambing 'yun eh. So 'pag nagkikita kami, nakakatuwa, kasi bukod sa buntis at least 'di ba, maalagaan ko siya habang buntis siya doon sa show," saad ng Comedy Queen. 
 
READ: Aiai Delas Alas, napabili ng mamahaling bag dahil kay Marian Rivera