GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, first time naka-experience ng first class seat sa eroplano

By Aimee Anoc
Published June 22, 2021 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


“Ako 31 years na 'ko sa showbiz… ngayon pa lang ako nakasakay sa first class,” sabi ni Aiai.

Masayang ibinahagi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang unang experience niyang makasasakay sa first class seat ng eroplano kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sabayan.

Kapansin-pansin sa Instagram post ng dating Owe My Love actress ang tuwa sa karanasang ito.

“Thank you Lord sa blessings na ito… sabi nga ang blessings ay in different forms. Ako, 31 years na 'ko sa showbiz at matagal na ko nabuhay sa mundo ngayon pa lang ako nakasakay sa first class at salamat sa aking cuz sam and wifey emem blessing kayo 2 sa amin hehe wohoo nakatikim kami sa buhay namin ng first class… yehey!” sabi ni AiAi sa kanyang photo post kasama si Gerald.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Matatandaang nagtungo sina Aiai at Gerald sa Los Angeles, California noong Mayo 29 para asikasuhin ang mga personal na bagay at makapagpa-COVID vaccine na rin.

Noon lamang Sabado, Hunyo 19, nakumpleto na ng aktres ang kanyang second dose vaccine.