
Malapit nang magbalik-taping ang cast ng upcoming romantic comedy series na Owe My Love na pinagbibidahanan nina award-winning actress Lovi Poe at Kapuso hunk Benjamin Alves.
Tampok din sa serye ang nag-iisang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas, na ngayon pa lang ay handa na raw para sa 55-day lock-in taping nila.
Source: msaiaidelasalas (Instagram)
''Yung first leg ko, nandun na lahat 'yung dadalhin ko. Ang kulang ko lang 'yung cabinet ko.
"Lahat nandun na, may ref ako dun, may kalan, kumpleto ako dun. Parang meron akong isang condo,” kwento ni Aiai nang makapanayam ng 24 Oras.
Nasimulan na ang lock-in taping para rito noong November 2020 pero pansamantala itong itinigil para bigyang-daan holiday season.
Ibinahagi rin ng aktres na excited na siyang makatrabaho ulit ang cast members ng show dahil bukod sa magaan silang katrabaho ay masaya rin ang mga itong kasama.
“Good vibes. Magagaan ang mga kasama ko lahat sila. Meron nga kaming parang family gathering every Thursday [at] Sunday,” aniya.
Binanggit din niya ang dalawang bagong Kapuso stars na sina John Vic Guzman at Joaquin Manansala na aniya ay nakakaaliw na katrabaho.
“Nakakatuwa pati mababait 'yung mga batang 'yon 'tsaka mga gwapings talaga.
"Bukod sa marunong naman silang umarte, maghubad lang sila ipakita 'yung muscles, okay na. 'Yun na 'yung papanoorin ko, e,” natatawa niyang sabi.
Bukod kina Aiai, Lovi, Benjamin, Joaquin, at John Vic, kabilang din sa cast sina Winwyn Marquez, Leo Martines, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Jon Gutierrez, Jelai Andres, Divine Tetay, Donita Nose, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Kiray Celis, Buboy Villar, Mahal, Ryan Eigenmann, Jessa Chichirita, at child star na si Angel Velasco.
Samantala, dahil balik-trabaho na ay pinagtutuunan na rin ng pansin ng comedy actress ang kanyang kalusugan na 'tila nagkakaroon na ng magandang resulta dahil kapansin-pansing blooming si Aiai.
Aniya, sinisiguro raw niyang healthy ang kanyang mga kinakain.
Source: msaiaidelasalas (Instagram)
“Happy life siguro tsaka healthy lifestyle siguro kaya ganun din tsaka sa mga kinakain ko. Sabi nga 'di ba you are what you eat,” lahad niya.
Bukod sa healthy diet, sinisiguro rin ni Aiai na nakakapag-exercise siya para mapanatili ang fit na pangangatawan.
At kung fitness ang pag-uusapan, “fitspiration” daw niya ang Owe My Love co-actress niyang si Lovi.
“Napaka-athlete ang dating. Ang sipag sipag nun mag-exercise, so mas ginaganahan din ako mag-exercise.
"Kaya kapag nakikita ko siya na ganun siya ka-engross sa pag-e-exercise sabi ko, 'Ay naku gagayahin ko 'tong si Lovi.'
“Kunwari 7:00 am call time namin, 5:00 o' clock gigising na 'yan para tumakbo,” kwento pa niya.
Source: lovipoe (Instagram)
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.
Talagang "fitspiration" si Lovi, tingnan sa gallery na ito: