
Si Kapuso actress Aiai delas ang bibida sa Mother's Day Special ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Beng, isang natatanging ina na marami nang hinarap na pagsubok para sa kanyang pamilya.
Bilang pasasalamant, sosorpresahin siya ng kanyang anak na si Rotski (Martin del Rosario) ng isang 'di inaasahang regalo na babago ng kanyang buhay.
Papaliliin kasi siya nito kung gusto niya ng cash o ng isang kaldero. Hindi niya alam na puno pala ng isang milyong piso ang kaldero! Agad naman nag-viral pa ang kuwento ng mag-ina.
Huwag palampasin ang "Isang Milyong Pasasalamat Kay Ina" ang Mothers Day Special presentation ng #MPK, ngayong Sabado, May 9 pagkatapos ng Daddy's Gurl.