
Magkalayo man, nagawa pa rin ni Aiai delas Alas na iparating ang kanyang pagmamahala sa kanyang anak na si Sophia para sa kaarawan nito.
Sa Amerika kasi naka-base ang kanyang anak na si Sophia kaya sa Instagram na lang ipinarating ni Aiai ang kanyang brithday greeting para dito.
"Happy birthday my dear baby girl. Kahit big girl ka na, you will always be my one and only baby girl, my kulot, and budang. Have a blast my bebe bunso. I love you very much," aniya.
Samantala, nagdiwang din ng kanyang sixth birthday ang isa pang anak ni Aiai na si Seth Andrei.
"And to my baby boy Andrei, happy birthday baby boy love ka namin ni daddy," sulat niya.
Engaged na si Aiai sa kanyang longtime boyfriend na si Gerald Sibayan.
MORE ON AIAI DELAS ALAS:
Aiai delas Alas and Gerald Sibayan get engaged on third anniversary
Aiai delas Alas, ipapakita ang kadakilaan ng mga yaya sa isang pelikula