GMA Logo Aiai travels
Celebrity Life

Aiai delas Alas, gustong mag-renew ng wedding vows sa Cana, Israel

By Marah Ruiz
Published February 12, 2020 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai travels


Gusto daw bumisita muli ni Aiai delas Alas sa Holy Land sa 2021.

Nais daw bumalik ni Kapuso comedienne Aiai delas Alas sa bansang Israel, particular sa Cana para mag-renew ng kanyang wedding vows kasama ang asawang si Gerald Sibayan.

Eight years ago nang pumunta doon si Aiai delas Alas sa para sa isang Holy Land pilgrimage.

"8 years ago na pala ako nanggaling sa JERUSALEM ( bansa ni LORD) kasama ko ang aking bestfriend na pari father allan samonte @fr.dads napagod na kami ng kakalakad kaya kumain sya ng tsitsirya ako naman kahit malamig kumakain ng ice cream ( sarap na miss ko mag ice cream)," sulat niya kalakip ang picture nila ni Father Allan Samonte.

Ibinahagi din ni Aiai na may ipinagdasal siya noong huling bumisita doon. At dahil tila sinagot na ang kanyang panalangin, nais daw niyang bumalik doon.


"2021 pag allow ni lord babalik ako dito at kasama ko na si darl .. kasi sa church kung saan ginawa yung wedding of cana nag pray ako dun sabi ko lord pag balik ko dito kasama ko na ang lalaking bigay mo saken ( kasi pwede kayong mag renew ng wedding vows nyo dun )," aniya.

Marami na daw ang ipinagbago ng kanyang buhay simula noon kaya malaki ang pasasalamat niya sa Diyos.

"Ang buhay talaga mahiwaga after 8 years ang dami ng nangyare sa buhay ko hehe. . At salamat panginoon kasi inayos mo ang buhay ko with the intersession of our blessed mother mama mary," pagtatapos niya.

Magandang umaga .. nakita ko lang sa facebook ko .. 8 years ago na pala ako nanggaling sa JERUSALEM ( bansa ni LORD) kasama ko ang aking bestfriend na pari father allan samonte @fr.dads napagod na kami ng kakalakad kaya kumain sya ng tsitsirya ako naman kahit malamig kumakain ng ice cream ( sarap na miss ko mag ice cream)--- 2021 pag allow ni lord babalik ako dito at kasama ko na si darl .. kasi sa church kung saan ginawa yung wedding of cana nag pray ako dun sabi ko lord pag balik ko dito kasama ko na ang lalaking bigay mo saken ( kasi pwede kayong mag renew ng wedding vows nyo dun ) ang buhay talaga mahiwaga after 8 years ang dami ng nangyare sa buhay ko hehe 😀. . At salamat panginoon kasi inayos mo ang buhay ko with the intersession of our blessed mother mama mary 🙏🏼

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Kamakailan, hinirang si Aiai bilang Film Ambassador ng Film Development Council of the Philippines.

WATCH: Aiai delas Alas, kilig na kilig dahil sa OPM hitman na ito

Aiai Delas Alas, rumesbak sa basher, "Ang inggit nakamamatay yan."