What's Hot

Aiai Delas Alas, ibinalitang nasa wellness facility si Jiro Manio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 12:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ng 'Let the Love Begin' star ang kalagayan ni Jiro Manio ngayon. 
By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY KRISTINE MANUEL, GMANetwork.com
 
Ibinahagi ni Aiai Delas Alas ang kalagayan ng former child actor na si Jiro Manio. 
 
READ: Aiai Delas Alas promises to help Jiro Manio
 
Aniya nasa isang wellness facility ngayon si Jiro.
 
"Nasa magandang kalagayan po si Jiro ngayon at nagpapagaling po siya. Sabi ng doktora po sa akin siguro mga three to four months magiging okay na siya."
 
Ibinahagi rin ni Aiai ang ilan sa mga plano nila ng kanyang itinuturing na anak-anakan sa industriya. Kuwento ni Aiai, "Sa ganitong state po kasi parang ayaw niya pong mag-artista so tingnan na lang po natin 'pag lumabas na po siya at magaling na po siya. Tingnan po natin kung ano 'yung gusto niya kasi ako sabi ko sa kanya kung ano lang 'yung magiging masaya ka and magiging mapayapa 'yung buhay mo doon tayo. Hindi kita pipilitin [mag-artista] kung hindi mo gusto. Ang gusto ko lang gumaling siya at maging maayos ang buhay niya."
 
Dagdag ni Aiai, "'Pag ayaw niya pang mag-artista, hindi po natin siya mapipilit. Siguro mag-work siya pero hindi ko lang po sure kung gusto niya pang mag-artista."
 
Sa usaping trabaho, sinigurado na umano ni Marvin Agustin na makakatulong siya sa kanyang itinuturing na nakakabatang kapatid na si Jiro. Pahayag ni Aiai, "Anything naman ibibigay ni Marvin Agustin. Sabi niya tutulungan niya ako na magkatrabaho si Jiro. Anything na gusto niyang gawin na kaya niyang gawin."
 
READ: Marvin Agustin wants to give Jiro Manio a job