
Nakilala ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas ang baguhang aktor na si GIl Cuerva sa Sunday PinaSaya kanina (June 18). Ayon kay Aiai, gwapo pala talaga sa personal si Gil at parang nakikita niya si "Papa P" Piolo Pascual at ang "Pambasang Bae" dito. Si Gil ay ang gumaganap bilang Matteo Do sa Philippine remake ng My Love From The Star.
Aniya, "Its nice to see you GIL CUERVA. Nagulat ako ang gwapo pala niya sa personal lalo, atsaka may star factor. Kinikilig ka pag nakikita mo sya parang kapag nakikita mo sina Papa P, si Alden, 'yung mesmerized ka. Kaloka @gilcuerva"
Nakapag-heart to heart talk na rin si Gil kasama si Piolo bago magsimula ang My Love From The Star. Una namang na-offer ang role ni Gil ngayon kay Alden Richards.
Abangan si GIl sa My Love From The Star sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.