Celebrity Life

Aiai Delas Alas, inaayos na ang passport at visa ni Jiro Manio papuntang Japan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 29, 2020 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Walang tigil pa rin ang pagtulong ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas sa kanyang onscreen son na si Jiro Manio.
By MICHELLE CALIGAN

Walang tigil pa rin ang pagtulong ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas sa kanyang onscreen son na si Jiro Manio. Pinangunahan niya ang paghanap sa dating aktor, ang pagpasok nito sa isang wellness facility at ang pagtunton ng tunay na ama nito sa Japan. Ngayon, si Aiai na rin ang gumagawa ng paraan para maayos ang passport at Japanese visa ni Jiro.

Sa isang Instagram post kahapon, August 14, ibinalita ng Sunday PinaSaya host na nagiging malusog na si Jiro, at dinala pa niya ang isang photographer para sa visa photo ng dating child star.

 

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on



"Yan na po sya ngayun araw na ito. Visit ko sya at medyo malusog sya so i da-diet daw. Dinala ko sina kuya from PICTURE CITY (thank you at pinagbigyan nyo ako sa special case na ito hehe) para sa kanyang japan visa picture. Pero unahin ko muna ayusin passport nya ... Sana DFA HELP DIN NILA AKO HEHE," paglalarawan ni Aiai sa kanyang post.

Kuwento pa ng veteran comedienne, naiyak pa siya habang kausap si Jiro.

"Syempre may drama mode na naman ---- jiro: ma bakit nangingitim ilalim ng mata mo .. Sabi ko kasi pagod ako nag gym ako ... SABI NYA: WAG MO KASI AKONG MASYADONG INTINDIHIN UNAHIN M SARILI MO ... [Di] ko napigilan luha ko .. Ending pinag tatawanan ako ni darling at ni jiro... Hahaha hay naku dramedy na naman kakaloka????????... Pag nanay talaga mga ganyang eksena nakakaiyak pa din hay ...nakooooo kakaloka at least sa mga salita nya nakikitaan na ng linaw na gumagaling na sya.. Praise GOD... To GOD BE THE GLORY ????????AMEN"