
Opisyal nang nagsimula ang produksyon ng bagong TV project ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas na Raising Mamay.
Nakapasok na sa lock-in taping ang batikang aktres at iba pa niyang co-stars noong nakaraang linggo para sa upcoming GMA drama.
Sa Instagram post ni Aiai, ishinare niya ang ilang larawan mula sa kanilang unang araw ng taping noong Biyernes (February 25) kasama si Shayne Save na gaganap bilang kanyang anak sa serye.
May suot na protective headgear at buckle leg strap sina Aiai at Shayne na tila sila ay nasa amusement park.
Makikita rin sa mga larawan ang Raising Mamay co-stars nilang sina Hannah Arguelles at Tart Carlos.
Sulat ni Aiai sa caption, "First taping day yesterday ... salamat sa gma @gmanetwork and drama team na mabigyan ako ng pagkakataon na magbida-bida sa teleseryeng ito.. thank you GOD sa blessings na ito .. salamat sa trabaho, at sa mga co-actress at actors na kasama ko rito at salamat sa magandang palabas na ito na sigurado akong kakagiliwan ng mga Pilipino hindi lamang ang ating mga mahal na kapuso .. RAISING MAMAY soon.....TO GOD BE THE GLORY .. @shaynesava @hannaharguelles_ @tartcarlos #latepost #happytogether."
Umuwi ng Pilipinas si Aiai mula Amerika, kung saan siya legal resident, para sa taping ng Raising Mamay. Nakatakdang bumalik ng US ang aktres pagkatapos ng produksyon ng bago niyang TV project na sasailalim sa dikresyon ni Don Michael Perez.
Bago lumipad ng Amerika noong huling parte ng 2021, napanood si Aiai bilang judge ng GMA musical competition na The Clash.
Tingnan ang ilang larawan ni Aiai at asawa niyang si Gerald Sibayan sa Amerika sa gallery na ito: