
Pinatunayan ng 27-year-old Caloocan singer na si Rex Baculfo ang titulong "simpatikong bokalista" sa The Clash 2023.
Sa episode ng singing competition noong April 16, inawit ni Rex ang "It's a Man's Man's Man's World" ng late American musician na si James Brown.
Ayon kay judge Lani Misalucha, "Parang sinasabi mo na relaxed ka lang and 'hey, eto ako I'm simpatiko together with my simpatikong voice."
Kinilig naman kay Rex ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas na ibinase ang komento sa linya ng kanta.
"Sabi mo nga do'n sa kanta 'a man's world is nothing without a girl so ikaw pala ay nothing without me," pabirong hirit ng komedyante na tila nagpapa-cute sa guwapong Clasher.
Tinugunan naman ito ni Rex ng "Wala po ako kung wala kayo" kaya flattered ang The Clash judge.
Binigyang diin naman ni Christian Bautista ang improvement ni Rex. Sabi ng romantic balladeer, "We felt like you're a natural on stage. Nakita ko 'yung confidence, nakita ko 'yung change and improvement, very, very, very big improvement."
Pero ayon sa hurado, may mga kailangan pang linisin si Rex sa kaniyang performance.
Dugtong ni Christian, "There were some notes here and there pero konti lang na I wish na mas on point, mga one or two lang naman but don't worry about that. Let's hope that it is more than enough."
Panoorin:
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7, at sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: