GMA Logo msaiaidelasalas
Celebrity Life

Aiai delas Alas, kinompronta ang basher na nagsabing sobrang tanda na niya

By Cara Emmeline Garcia
Published October 14, 2020 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SSS to launch microloan program, raise pensions in 2026
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

msaiaidelasalas


Aiai delas Alas sa kanyang basher: “'Pag tanda mo sana kasing ganda kita at may pogi at mabait na asawa.” Read more:

Hindi nag-atubili si Kapuso Comedy Queen Aiai delas Alas na komprontahin ang basher niya matapos mabasa ang panlalait na binitiwan nito sa kanyang Instagram account.

Sa isang post sa social media, makikitang proud na proud si Aiai sa kanyang pangangatawan sa edad na 55 years old.

“Gym sa garahe at sa slight init ng araw --- the solar couple #labanparawalangcovid #solarcouple #gymtothemax #labansagarage,” bitiw nito.

Gym sa garahe ... at sa slight init ng araw -- the solar couple 😂 #labanparawalangcovid #solarcouple #gymtothemax #labansagarage

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Sa comments section, mababasa ang puna ng netizen sa comedienne na nagsasabing, “Sobrang tanda mo na po,” at sinundan pa ng sad emoji.

Nakarating ang komentong ito kay Aiai kaya siya mismo ang sumagot sa netizen sa Instagram.

Sambit ni Aiai sa basher, “'Pag tanda mo sana kasing ganda kita at may pogi at mabait [ka] na asawa.”

Pinasalamatan din ng Comedy Queen ang lahat ng mga dumepensa sa kanya at sinabing 'wag na lamang itong pansinin.

“Hayaan mo na 'yan. Wala na pag-asa sa mundo,” aniya.

“Patawarin na natin. [May] pandemiya naman na [kaya] 'wag na natin pansinin.”

Aiai's fitness goal

Sa kanyang Instagram account, makikita ang patuloy na pagwo-workout ni Aiai kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Ibinahagi niya na marami siyang fitness goals at kasama na rito ang pag-tone ng kanyang muscle sa edad na 70 years old.

“Kaya ako gym ng gym para 'pag umabot ako ng 70, na napakatagal pang panahon hahaha, para na akong si ate. At the age of 70, winner si ate ng isang muscle chever competition,” pagtukoy niya kay Mary Clayton, isang bodybuilder sa Australia.

“Yes, I can do this! Baka 'pag 60 na ako, ganito na ako. Hindi na aabot ng 70. #musclewoman #labangirlborta.”

Kaya ako gym ng gym para pag umabot ako ng 70 na napakatagal pang panahon hahaha .. para akong si ate ( at the age of 70 winner si ate ng isang muscle chever competition) .. yes i can do this baka pag 60 nako ganito nako d na aabot ng 70 .. #musclewoman #labangirlborta

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Noong Setyembre, naabot din ni Aiai ang kanyang weight goal na 110 pounds sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo at pagbabago ng kanyang lifestyle.

“Happy and thin --- na-achieve ko na ang 110 [pounds]. Magpapataba na ako. Hahaha,” aniya sa caption.

“Lifestyle pa rin at exercise ng onti. Ganun lang. Wala naman masyadang ganap at di nakapagbuhay kaya ata pumayat ako.”

HAPPY AND THIN --- na achieve ko na ang 110 .. papataba nako haha #baliwlang #nagpapayattaposmagpapataba

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on