What's on TV

Aiai delas Alas, Kisses Delavin, Kelvin Miranda at Kris Bernal, tampok sa first anniversary ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo!

By Cherry Sun
Published January 17, 2020 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

The Boobay and Tekla show first anniversary


Samahan sina Boobay at Tekla at kanilang special guests sa pag-celebrate ng unang anibersaryo sa telebisyon ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo, January 19!

Isang taon na simula nang magbago ang Sunday night habit niyo dahil sa laugh-out-loud na programang hatid nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) !

Matatandaang nagsimula ang TBATS bilang isang digital comedy program na unang napanood sa GMANetwork.com. At matapos ang isang taon, namamayagpag at panalo pa rin ito sa TV sa paghahatid ng katatawanan at kulitan sa ating mga manonood.

Kaya naman ngayong Linggo, January 19, samahan natin ang fun-tastic duo na i-celebrate ang first anniversary ng TBATS sa telebisyon kasama ang kanilang special guests.

Bubuksan nina Boobay at Tekla ang gabi sa pamamagitan ng isang K-Pop inspired performance. Makakasama rin nila ang mga nagwagi sa nakaraang contests na pinauso ng kanilang programa tulad ni K-Pop Idol 2019 winner Ajay Balmoers, Mr. Palito winner Whamos Cruz, at Binibining Undas titlist na si Babaji.

Level up pa ang komedya sa pagdating mismo ni Comedy Queen Aiai delas Alas kasama sina Kisses Delavin at Kelvin Miranda para sa 'Whisper Challenge.'

Si Kris Bernal naman ang tutulong sa fun-tastic duo sa 'Pranking in Tandem' segment sa pagbuo kunwari ng isang girl group, ang 'Okoy Girls.'

Muli ring mapapanood sa pre-Valentine segment si Ajay na naghahanap ng kanyang potential girlfriend. Magbabalik din ang paranormal investigator na si Ed Maluwag para sa isang parody segment tungkol sa isang white lady.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 19, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!