
Pagkain naman ang bagong negosyong pinasok ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas.
Nakatakda kasing magbukas ang kanyang food business na Ai Sarap Express sa December 2.
Excited na si Aiai sa pagbubukas ng kanyang bagong "baby."
Bukod dito, busy din si Aiai sa paghahanda sa kanyang kasal sa kasintahang si Gerald Sibayan na nakatakdang ganapin sa December 12.