
Makakasama ng Kalurker trio na sina DJ Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa pilot episode ng pinakabagong live entertainment talk show sa GTV na KALURKS! ngayong September 13.
Sa naganap na media conference ng KALURKS!, ni-reveal ni DJ Jhai Ho ang guesting ni Aiai sa kanilang show.
"Alam ko puwede nang i-share para lalong ma-excite ang mga kalurkers natin at mga Kapuso natin. Dahil sa aming pilot episode, dahil nga uso at lahat naman tayo ngayon ay usap-usapan ang AI, makakasama po namin si Ms. Aiai," sabi ni DJ Jhai Ho.
"Totoo, makakasama talaga namin ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas. Kumbaga parang na-miss po nating lahat 'yung ganitong klaseng format ng programa," dagdag niya.
Ipinarating din ni DJ Jhai Ho ang saya nilang tatlo sa magagandang feedback ng mga tao.
"Sa totoo lang, masaya kami ni Baus at saka ni Ashley kasi 'yung feedback, pagtanggap ng mga tao simula nang naka-silhouette kami hanggang sa nilabas na, sobrang excited 'yung mga tao. So sana tuloy-tuloy para bongang-bonga."
Abangan ang KALURKS! sa GTV tuwing Linggo, 8:30 p.m., simula September 13.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Entertainment website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
Related gallery: