GMA Logo aiai delas alas in tanging ina
Photo by: msaiaidelasalas (IG)
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, maraming natutunan sa kanyang real-life 'Ang Tanging Ina' story

By Aimee Anoc
Published May 12, 2026 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Padilla to file ethics complaint vs Pangilinan
Libreng gasolina para sa mga tricycle driver, hatid ng isang barangay | One North Central Luzon
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas in tanging ina


Aiai Delas Alas sa kanyang mala-'Ang Tanging Ina' story: "Alam mo, totoo 'yan. Kakaganyan, kakaganyan, 'Tanging Ina,' ay parang nagkatotoo na tuloy. Hindi lang sila namatay, nawala lang sila."

Tila hindi nalalayo ang tunay na buhay ni Aiai Delas Alas sa kanyang blockbuster film na Ang Tanging Ina.

Tulad ng kuwento ng kanyang karakter na si Ina Montecillo na nagkaroon ng tatlong asawa, na-experience din ng Comedy Queen ang ikasal nang tatlong beses at magkaroon ng tatlong asawa.

Sa kanyang pagbisita sa Toni Talks, naging bukas si Aiai na ikuwento ang mga pinagdaanan niya sa kanyang failed marriages at ang mga natutunan niya mula dito.

Hindi naman napigilan ni Aiai na matawa nang sang-ayunan ang sinabi ni Toni Gonzaga na parang naisabuhay niya Ang Tanging Ina, dahil na rin sa nagkaroon siya ng tatlong asawa.

"Huy! Alam mo, totoo 'yan. 'Yun nga masasabi ko, 'Ay! Kakaganyan, kakaganyan Tanging Ina, ay parang nagkatotoo na tuloy.' Hindi lang sila namatay, nawala lang sila," sabi ni Aiai.

Kuwento ng Comedy Queen, hiwalay na siya sa kanyang unang asawa at may anak na nang gawin Ang Tanging Ina noong 2003.

"Single ako nu'n," sabi ni Aiai. "Sina Sophia, maliliit pa nu'n. 39 years old ako. Matagal na akong hiwalay kay Miguel [Vera], 1998 pa lang. Tapos nagpakasal ako [ulit] 2013 doon sa second husband... 27 days."

Nang tanungin kung bakit 27 days lang siyang kasal sa pangalawa niyang asawa, sagot ni Aiai, "Eh kasi may physical aspects. Hindi ko na kaya 'yung physical problems."

Noong nagde-date pa lang sila noon ay, aniya, "hindi pa masyado" ang physical abuse. "Pero akala ko 'pag kinasal ka magbabago. Hindi e, mas lalong parang naging stressful."

Aminado si Aiai na pagdating sa love life ay kahinaan niya talaga. Sabi niya, "Siguro gusto ko parating may kausap. Gusto ko may kumpletong pamilya. Gusto ko 'yung ganu'n."

Noong 2017, muling ikinasal si Aiai sa kanyang pangatlong asawa. Kuwento niya, "Three years kaming mag-boyfriend and seven years kaming mag-asawa, it's 10 years."

Sa pinagdaanang tatlong heartbreaks sa pag-ibig, ibinahagi ni Aiai ang kanyang mga natutunan.

"'Yung first, 'yung impulsive. 'Ano ako... 'pag pinipigilan ako lalo kong ginagawa. 'Pag sinasabi ng friends ko, 'pag sinasabi ng nanay ko, lalo na ang nanay ko kasi mahigpit siya, 'yung auntie ko na nag-adopt sa akin, 'pag ayaw n'ya, iyon ang gusto ko. Nagrerebelde ako, so 'yun ang napapala ko ngayon. First and second, ganu'n.

"And, totoo 'yon, mother knows best. Ang nanay mo 'pag sinabing kung ano 'yung nararamdaman n'ya, totoo 'yon... Dapat sundin natin 'yon," dagdag niya.

Nagustuhan naman daw ng kanyang ina ang pangatlo niyang asawa. "Gusto n'ya 'yon. Kaya parang ako nu'n, 'Parang okay sa nanay ko, kaya okay ako.'"

Para kay Aiai, ang ideya na "may forever" ang pinakamasakit sa kanya sa pangatlong asawa.

"And, 'yung promise n'ya na parang hindi naman n'ya ako iiwanan. Naniwala ako sa promises, 'yun 'yung masakit. Pero, okay lang ganu'n talaga buhay. So ina-accept ko na lang kasi wala naman akong choice."

Pagbabahagi pa ni Aiai, naging mahirap para sa kanya ang healing. Aniya, "Siguro mga three months akong [tulala]. I'm not questioning the Lord, pero parang sinasabi ko lang sa kanya na 'tulungan mo ako to move on.'

"Kasi 'yun ang mahirap 'pag matagal kayong nagsama, 'yung ano ba 'yung mga fears mo. Una, 'yung fear of the unknown. Saan ako pupunta? Doon ako unang nangarag--'yung, 'Anong gagawin ko after nito?'

"And then, 'yung growing old. Sabi mo nga, growing old together, na alam ko naman na mas old ako sa kanya, pero, at least, may makakasama ako, may kausap ako, ganyan.

"'Yun 'yung mga nalungkot lang ako, doon sa part na 'yon, and nahirapan na mag-move on kasi nga 10 years din na nakasama mo physically. 'Di ba mahirap 'yon na may katabi ka for 10 years, then isang araw parang may hangin dito, wala ka nang katabi."

Pero, ani Aiai, sa kabila ng mga nangyari ay agad siyang bumangon para sa kanyang sarili.

"Bumangon kasi ako agad. After nung tulala moments three months, ika-fourth nag-Zumba na ako. Gagawa ka talaga ng paraan sa sarili mo, wala kang choice e."

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Aiai Delas Alas's career as a Kapuso through the years