What's Hot

Aiai Delas Alas, may babala sa kung sino man ang mang-aapi sa anak na si Sophia

By Jansen Ramos
Published January 9, 2018 4:51 PM PHT
Updated January 9, 2018 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rent-a-car na tinangay at chinop-chop, nahanap gamit ang GPS; 4 arestado
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang Instagam post, nagbigay ang Philippine Comedy Queen ng babala sa kung sino man ang mang-aapi at mananakit sa damdamin ng kanyang unica hija.

Umuwi na ng bansa mula Amerika ang anak ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas na si Sophia Andrea para rito na ipagpatuloy ang pag-aaral nito.

Sa isang Instagam post, nagbigay si Aiai ng babala sa kung sino man ang mang-aapi at mananakit sa damdamin ng kanyang unica hija. Sasapian daw siya at magbabagong anyo para ipagtanggol ito.

Sinariwa pa niya ang hirap na dinanas para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.

 

Sophia andrea — ang meaning ng name nya beautiful and courageous .. bagay naman sa personality nya .. kakabalik nya lang from the states dun ko sya pinag aral .. kahit pesos lang ang sweldo ko at dollars ang gastos laban !!!!para sa magandang edukasyon at buhay .. na miss ko sya kaya dito na muna sya at gusto kong bantayan ..lasalle naman yun magandang school din kaya nandito sya ngayun .. kahit mag isa lang ako tinaguyod ko ang pag aaral nila .. ang gabi ginagawa kong araw ( naks)para mabigyan ng magandang edukasyon at buhay ang mga anak ko .. halos lahat naman ng magulang yan ang pangarap sa anak ... pag dating sa pag aasawa or relasyon tayong mga magulang kung pwede nga lang na prinsesa or prinsipe ang makasama ng mga anak naten para bongga ang life dba????.. mahal na mahal ko mga anak ko .. and si sophia is nagiisang babae bunso pa kaya ANG UMAPI AT NANAKIT SA DAMDAMIN NG ANAK KO E ALAM NYO NA HEHE .. masasapian ako at mag babagong anyo para ipagtanggol sya ... i love you baby girl .. mama is always here for you .. ???????????? @sanchovito @gerald_sibayan @miggyleonardo

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

 

Saad niya, “Sophia Andrea — ang meaning ng name n’ya [ay] beautiful and courageous. Bagay naman sa personality n’ya. Kakabalik ny’a lang from States dun ko s’ya pinag-aral. Kahit pesos lang ang sweldo ko at dollars ang gastos, laban, para sa magandang edukasyon at buhay. Na-miss ko s’ya kaya dito na muna s’ya at gusto kong bantayan. La Salle naman ‘yun magandang school din kaya nandito s’ya ngayon. Kahit mag-isa lang ako, tinaguyod ko ang pag aaral nila. Ang gabi ginagawa kong araw (naks) para mabigyan ng magandang edukasyon at buhay ang mga anak ko. Halos lahat naman ng magulang ‘yan ang pangarap sa anak. Pag dating sa pag aasawa o relasyon, tayong mga magulang kung pwede nga lang na prinsesa or prinsipe ang makasama ng mga anak natin para bongga ang life, ‘di ba? Mahal na mahal ko [ang] mga anak ko. And si Sophia is nag-iisang babae, bunso pa, kaya ANG UMAPI AT NANAKIT SA DAMDAMIN NG ANAK KO E ALAM NYO NA HEHE. Masasapian ako at magbabagong anyo para ipagtanggol s’ya. I love you, baby girl. Mama is always here for you.”