
Move over Park Seo-joon dahil may bagong oppa na si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas.
Sino ito? Walang iba kundi si Descendants of the Sun star Song Joong-ki!
Isinalaysay ni Aiai ang kanyang pagkahanga sa South Korean drama actor sa kanyang Instagram matapos mapanood ang latest drama nito na Vincenzo na ipinapalabas ngayon sa Netflix.
Bitaw ni Aiai, napakahusay umarte ni Song Joong-ki lalo na tuwing mayroong dramatic scenes kasama ang kanyang kapwa aktor.
“Flex ko lang 'tong bagong mahal ko sa buhay. Habang patagal ng patagal ang 'Vincenzo,' paganda siya ng paganda at napaka-exciting,” aniya sa Instagram.
“At ang bago kong idol na si Song Joong-ki, ang husay umarte! Kahit umiiyak hindi nagugusot 'yung mukha, tumutulo lang ang luha.”
Dagdag pa ng Owe My Love star, “Nakakaiyak eksena kagabi pero 'di ko na sasabihin. Basta eksena n'ya ng nanay n'ya. Ang husay n'ya dun. Ang simple pero ang sakit. Nakakaiyak sobra.”
Maliban kay Song Joong-ki, pinuri rin ni Aiai ang direktor ng serye na si Kim Hee-won dahil sa aniya magagandang fight scenes ng aktor.
“Kudos din sa direktor na si Kim Hee-won na kahit female director s'ya, ang gaganda ng fight scene ni idol Joong-ki at maganda ang latag ng story.
“Aabangan mo talaga ang mga susunod na episode. Husay!”
Ani pa ni Aiai, “Siyempre mahal ko pa rin at super idol ang aking si Park Seo-joon!”
Ang Vincenzo ay isang Korean drama na nagsasalaysay ng buhay ni Park Joo-hyung (Song Joong-ki), isang Korean-Italian lawyer na naging consigliere ng isang mafia family.
Panoorin ang trailer nito:
Isang outspoken Korean drama at K-pop fan si Aiai. Maliban sa kanya, maraming celebrities na rin ang nakakuha ng K-fever! Kilalanin sila sa gallery na ito: