
Lumabas ang pagiging kalog ni Comedy Queen Aiai delas Alas nang mag-post ito ng birthday message sa Instagram para sa kanyang anak na si Sophia.
Aiai delas Alas and Gerald Sibayan celebrate 6th "girlfriend-boyfriend" anniversary
Ipinagdiriwang ng unica hija ni Aiai ang kanyang 24th birthday ngayong Miyerkules, April 15.
Sa post ng award-winning comedienne, may kulit hirit pa nga ito sa birthday gift ng anak.
"Happy bday baby girl budang ding ... many more to come .. after na lang ng ecq ang bday gift ko sayo .. labyu nak @sophdelasalas"
Nagpasalamat naman si Sophia sa kanyang ina.
Bukod kay Sophia, may tatlong pang anak ang Kapuso actress na sina Sancho Vito, Sean Nicolo, at Seth Andrei.