Article Inside Page
Showbiz News
Tila kuntento na ang Philippine Queen of Comedy sa takbo ng kanyang karera.
By MICHELLE CALIGAN
Wala na raw pressure na nararamdaman si Aiai Delas Alas pagdating sa trabaho, at isa ito sa mga dahilan kung bakit siya
bumalik sa Kapuso network.
"Gusto ko ng relaxed, chill lang. Kumbaga, modesty aside, ayoko nang may patunayan pa. Gusto ko na lang ng happy working [environment], happy ambiance, positive. No to negatrons tayo," hirit ng Philippine Queen of Comedy, na mapapanood ngayon sa
Let the Love Begin.
Tinigilan na rin daw niya ang pagsagot at pagpatol sa kanyang bashers.
"Hindi [na], kasi paulit-ulit eh. At saka alam ko naman na gawa-gawa 'yun. Hindi naman natin mako-control 'yun, uso na ngayon ang social media. Kumbaga, ikaw na lang ang puwedeng mag-control ng sarili mo on how you will react to them. And ako, I just praise God, smile, and be happy."
Aminado rin ang comedienne na na-miss niya ang mabigyan ng halaga. Pero aniya, ganoon talaga ang buhay. Hindi nga lang niya mapigilan ang maging emotional sa tuwing binibigyan siya ng grand welcome.
READ: Aiai Delas Alas, bilib kay Ruru Madrid
"Minsan nasa baba, minsan nasa taas, umiikot naman ang mundo eh. Parati kong sinasabi sa lahat ng interviews ko, being in show business and itong pagiging artista ng isang tao ay bigay ng Diyos. Ang ating talent ay bigay ng Diyos. Siya lang ang puwedeng kumuha at Siya lang ang puwedeng magbalik."