GMA Logo Aiai Delas Alas almost quit showbiz career
Photo by: Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

Aiai Delas Alas, muntik nang iwan ang showbiz?

By Aimee Anoc
Published May 12, 2026 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Padilla to file ethics complaint vs Pangilinan
Libreng gasolina para sa mga tricycle driver, hatid ng isang barangay | One North Central Luzon
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas almost quit showbiz career


Aiai Delas Alas nang pigilan siya ng friend na mag-quit sa showbiz: "Totoo... Ayoko ng ibang work. Gusto ko artista lang ako for life hanggang [mawala] ako."

Hindi itinanggi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas na dumating na siya sa puntong nais nang umalis sa showbiz.

Ito ay nang magpunta sila noon ng dating asawa na si Gerald Sibayan sa Amerika.

"Oo, mayroon," sabi niya kay Toni Gonzaga sa pagbisita sa Toni Talks.

"Kasi 'di ba pumunta kami ni third husband sa Amerika? So iyon 'yung time na, 'Ah! Dito na lang ako, Amerika. Alagaan ko 'yung asawa ko.'"

Napigilan lamang daw siya ng kanyang friend, at sumang-ayon na showbiz lamang ang trabahong gusto niya.

"Napigil lang ako nung friend ko. Sabi niya, 'Hindi. Hindi mo hindi gugustuhin ang showbiz. Kilala kita, babalik at babalik ka riyan.'

"Totoo... Ayoko ng ibang work. Gusto ko artista lang ako for life hanggang [mawala] ako," dagdag niya.

Ang pag-aartista rin ang trabaho na, ani Aiai, nag-e-excel siya.

Ibinahagi rin ni Aiai ang isa sa pinaka-hindi niya nagustuhan sa industriya sa tinagal na niya sa showbiz.

"Siguro 'yung politika. Parang kunwari, si ganito powerful tapos parang nainggit siya sa 'yo, tatanggalin ka na, mawawalan ka na ng show."

Nang tanungin ni Toni Gonzaga kung ano ang biggest challenge niya sa industriya, sagot ni Aiai, "Syempre nu'ng nag-start ako. Struggling ako na... ang talagang goal ko lang naman is mabuhay ko 'yung pamilya ko, 'yung nanay ko, magkaroon ako ng work.

"Tapos nu'ng nasa showbiz na ako, siyempre, hindi ko naman binalak na 'yun talagang maging bida. Nakakatuwa kasi parang pelikula rin na wala kasi akong kotse so sasakay ako sa tricycle... Mauuna kang pupunta, kasabay mo 'yung kable. Huli ka ring aalis after nung shoot kasi kasabay ka nung kable. Sasabay ka sa service."

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Aiai Delas Alas's career as a Kapuso through the years