
Karma is real!
Ito ang reaksiyon ni Aiai Delas Alas nang malaman niyang muling nahuli ang dating kasambahay nila na ninakawan siya pati ang kanyang ina na si Justa Delas Alas.
LOOK: Aiai Delas Alas warns public about online scammer
Sa Instagram post ng award-winning comedienne, kahapon October 6, nabigo raw silang mapakulong ang dating kasambahay noon.
Wika ni Aiai, “Hindi talaga natutulog ang DIYOS .. at saka KARMA IS DIGITAL .. etong yaya namin na 'to na ninakawan nanay ko dati at ako e napakawalan ng fiscal na nag-handle ng kaso namin .. nalungkot ako.
“Pero sabi ko sa sarili ko nakalusot ka sa 'kin pero sa mata ng DIYOS hindi ka makakalusot at ayan na nga, nahuli siya ngayon kasi may ninakawan na naman .. lahat ng gawaing masama [ay] HINDI NAGWAWAGI . Baka sakaling makalusot na naman wag n'yo tatanggapin ang babaeng ito sa bahay n'yo.”
Last month, ni-reveal din ni Aiai Delas Alas na nabiktima ang kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia ng online scammers.